
First thing's first...
MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT!!! :)
I usually post in english here in my blog, pero tatagalugin ko na lang po this time. First time po namin mag-self publish ng aking asawang si Cornelia (or Mei sa komiks). Aaminin ko pong sobra ang aming kaba at excitement sa event nung Linggo. Meron pa nga bang tatangkilik ng isang lumang obrang matagal nang wala sa sirkulasyon? Nagbibiruan pa nga kami ilang araw bago yung event - sabi ko meron nang mga 30 tao ang nagkumpirmang bibili. Hahaha! Kinakatakot ko lang kasi na baka hindi namin maabot ang iba pang taong interesado sa aming gawa. Post sa Facebook, post sa Friendster, post sa blog at sa DeviantArt. Hindi na ito Culture Crash. Ito'y isang indibidwal na pagkilos na lang ng dating dibuhista sa nasabing publikasyon. Isang desisyon upang mabigyan ng katapusan ang nasimulang kuwento.
Hindi din ito C3Con. Wala kaming higanteng booth na puno ng mga banners at posters na nakaposisyon sa gitna ng venue. Ang aming mesa ay balot lang ng kaparehong table cloth sa ibang mesa. Dinamitan lang namin ng manila paper para matakpan ang ilalalim, at nilagyan ng kung anu-ano'ng printout na hindi nagamit. Nilagyan din namin ng doodle area sa table top mismo na suhestiyon na din ng aking asawa upang mapasaya ang lugar namin. Laban sa naglalakihang tables na may mga higanteng tarps at streamers, parang pulubi lang kami doon. :(
10:00 AM. Simula ng event. Nung mga unang minuto ay parang konti pa lang ang mga tao. Wala pa ngang pumupunta sa table namin until after mga 10 o 15 minutes. Mabagal ang simula, pero mga bandang tanghali ay nagsimula nang dumami ang mga tao.
Nakakatuwang makita at makausap ang mga dating mambabasa ng Culture Crash na pumunta sa table namin. Yung iba ay nag-stay upang makipagkuwentuhan. Hindi ko na iisa-isahin ang mga pangalan niyo. Ikinagagalak po namin kayong makilala at makausap.
MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT!!! :)
Kay David(o4), napakabait mong tao. Bumalik ka pa sa table namin para iabot ang iyong bayad kahit nakalabas ka na sa event area. Maraming salamat! Na-senior moment kami doon, and we appreciate your honesty.
To the people who are planning the CT cosplay, sorry 'di ko nakuha mga names niyo. Let me know kung kelan at saan yung plan niyong event ha? :)
Sa mga taong nag-iwan ng kanilang mga doodles, messages at iba pang bagay sa aming doodle area, hintayin niyo lang at pag natapos kong i-scan ang buong papel e iu-upload ko din dito. Mahirap mas-scan ng manila paper. Whew! ^_^"
We are happy to inform everyone na mahigit sa kalahati ng CTR at mga 38% ng CTS ang nabenta namin sa Komikon 2009. Masaya na din kami sa figures na yun dahil ibig sabihin ay madami pa din ang interesadong bumili at magbasa ng CT. Ibig sabihin ay:
-madami pang CTR at CTS para sa Mangaholix event sa November. Sa mga hindi pa nakakabili, sa November 21-22 ay magkita tayo sa nasabing event at may pagkakataon pa din kayong makabili.
-masaya naming ipagpapatuloy ang CT hanggang kaya namin magpalimbag ng mga kopya. Sana'y patuloy niyo kaming suportahan.
Bilang huling mensahe, ikatutuwa namin kung makapagbigay kayo ng inyong mga feedbacks tungkol sa 2 libro (CTR at CTS). Importante sa amin ito upang patuloy naming mapaganda ang CT. Ipadala na lamang ang inyong emails sa:
ctrewind@gmail.comMARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT!!! :)
Mei at Memer
p.s. Pinagsisihan na po ni Memer ang maliliit na fonts. Sa kanyang pagmamadali sa paggawa ng 2 libro ay hindi niya ito napag-isipang mabuti. Huhu... Kung pwede lang kami mamigay ng magnifying glass na libre sa bawat bumili...
Next time po ay magpo-post ako ng mga kaunting pics na nakunan mula sa event. Paalam!